JENIE G. AGOYAOY, UNIT MANAGER
"Simple"
Para sa akin, pagiging “simple” ay ang pagkakaroon ng malinis na layunin sa buhay—tumutulong sa iba habang binubuo ang pangarap ng sarili kong pamilya. Ang pagiging simple ay nagpapakita ng aking dedikasyon at pagmamahal sa trabaho, at pagiging totoo sa bawat hakbang na tinatahak ko bilang isang Unit Manager. Walang masyadong komplikasyon—diretso, totoo, at puno ng malasakit.
MY JOURNEY IN JBC
JBC Marketing and Development OPC truly changed my life. Dati akong simpleng housewife na walang sariling kita, ngunit ngayon, bilang isang real estate salesperson, kumikita na ako ng commission. Malaking bagay ito hindi lamang para sa akin, kundi para sa aking pamilya. Ngayon, natutulungan ko na ang aking asawa sa paghahanapbuhay, at sama-sama naming natutupad ang aming mga pangarap at layunin para sa aming pamilya. Nakatulong ang JBC na magkaroon ako ng oportunidad na kumita, at higit pa rito, binigyan din ako ng platform para matutunan ang real estate industry. Nakakatuwa ang pakiramdam na may nabibigay akong kontribusyon sa aming kabuhayan, at sa bawat benta, nararamdaman ko ang fulfillment na natutulungan ko rin ang ibang pamilya na makahanap ng kanilang sariling tahanan.




WHY YOU SHOULD WORK WITH ME
Bilang isang simpleng tao na nagmula rin sa wala, naiintindihan ko ang mga hamon at pagsubok sa paghahanap ng pagkakakitaan at sa pagsusumikap para sa pamilya. Kung magtatrabaho ka sa akin, hindi lang pera ang kikitain mo sa pamamagitan ng commissions – matutulungan mo rin ang iba na matupad ang pangarap nilang magkaroon ng sariling bahay. Bukod pa diyan, magkakaroon ka ng pagkakataong makatagpo ng bagong kaibigan at magbubuo tayo ng mas malawak na pamilya dito sa JBC. Sama-sama nating gagawin ang lahat para sa tagumpay!
Looking to kickstart your real estate sales career or sell a property? Or maybe you’re searching for the perfect home? Let’s work together! With my expertise, I can guide you through the process, whether you’re building your career or making the best property investment.

Our Success Stories
At JBC Marketing and Development OPC, we take pride in the inspiring journeys of our team members, especially our Sales Directors. Many of them began with humble beginnings, working tirelessly to build their careers in real estate. Through hard work and determination, they progressed from entry-level positions to Sales Managers and Unit Managers, growing alongside JBC. Their success stories not only reflect personal achievement but also demonstrate our commitment to empowering Filipinos through Real Estate Marketing, as they mentor new team members and contribute to our mission of helping families find their dream homes.