ANGELITA C. PARAS, SALES MANAGER

"Matapang"

Ito ang pinakamalinaw na paglalarawan ng aking sarili. Sa bawat hamon, hindi ako umaatras. Sa mundong punong-puno ng pagsubok at mga uncertainty, ako ang tipo ng tao na harapin ito nang buong tapang. Sa bawat rejection o setback, mas lalo akong nagiging matatag at determinado. Ang tapang ko ay hindi lang para sa sarili ko, kundi para rin sa mga taong nasa paligid ko – mga pamilya, kaibigan, at lalo na ang team ko. Nais kong ipasa ang lakas ng loob na ito sa lahat ng gustong magtagumpay sa JBC.

MY JOURNEY IN JBC

Napakaraming nabago sa buhay ko simula nang pumasok ako sa JBC. Dati, halos wala akong alam sa sales, pero ang pangarap kong makapagbenta at kumita nang mas malaki ang nagtulak sa akin. Sa tulong ng training at suporta ng JBC, natuto ako mula sa simula – paano makabenta, paano makipag-usap sa kliyente, at paano maging successful sa larangan ng real estate.

Ang JBC ay hindi lang nagbigay ng career growth sa akin, kundi pati na rin ng pagkakataon na mapabuti ang buhay ng pamilya ko. Dahil dito, nakatulong ako sa pagpapaaral ng dalawa kong anak sa kolehiyo, at nagkaroon na rin ako ng sariling bahay. Para sa akin, hindi lang ito trabaho, kundi isang paraan para mabigyan ang pamilya ko ng magandang kinabukasan. Ito rin ang nagbibigay ng fulfillment sa akin, dahil nakikita ko ang epekto ng pagtutulungan at pagkakaisa ng JBC sa buhay ng bawat miyembro nito.

WHY YOU SHOULD WORK WITH ME

Sa akin, hindi lang basta trabaho ang ginagawa ko -ginagawa ko ito nang may puso. Bilang Sales Manager, importante sa akin na matulungan ko ang bawat isa sa aking team na magtagumpay at makamit ang kanilang mga pangarap. Mapagkakatiwalaan ako pagdating sa trabaho at gagawin ko ang lahat para siguraduhing maayos ang proseso at walang naiipit o napapabayaan. Maaasahan mo rin ang dedikasyon at malasakit ko sa bawat hakbang ng iyong journey sa JBC.

Kung gusto mo ng leader na hindi lang magtuturo sa’yo ng mga kailangan mo, kundi aalalay din sa’yo sa lahat ng aspeto ng iyong trabaho, ako ang tamang tao para sa’yo. Sama-sama nating bubuksan ang mga oportunidad na hatid ng JBC, at ako mismo ang magiging gabay mo tungo sa tagumpay.

Looking to kickstart your real estate sales career or sell a property? Or maybe you’re searching for the perfect home? Let’s work together! With my expertise, I can guide you through the process, whether you’re building your career or making the best property investment.

Drop your Resume/CV or Lot Plan here or click here to upload. You can upload up to 1 files.
"JBC Sales Directors, Sales Managers, and Unit Managers together"

Our Success Stories

At JBC Marketing and Development OPC, we take pride in the inspiring journeys of our team members, especially our Sales Directors. Many of them began with humble beginnings, working tirelessly to build their careers in real estate. Through hard work and determination, they progressed from entry-level positions to Sales Managers and Unit Managers, growing alongside JBC. Their success stories not only reflect personal achievement but also demonstrate our commitment to empowering Filipinos through Real Estate Marketing, as they mentor new team members and contribute to our mission of helping families find their dream homes.

Scroll to top